Home METRO Opisyal at empleyado ng isang recruitment agency, inaresto sa kabi-kabilang reklamo

Opisyal at empleyado ng isang recruitment agency, inaresto sa kabi-kabilang reklamo

MANILA, Philippines – INARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang mga opisyal at empleyado ng isang recruitment agency dahil sa patong-patong na reklamo ng kanilang mga aplikante.

Nag-ugat ang kaso dahil sa reklamo ng kamag-anak ng isa sa biktima kung saan ang mga aplikante umano ay kinukulong sa tanggapan ng Maanyag International Manpower Corp sa Paranaque City. Ang kanilang pasaporte at iba pang travel documents ay hawak din nila sa pangamba na isusumbong sila sa pulisya kung aalis sila.

Bunsod nito, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng NBI-CCD na nagresulta sa pagkaka-rescue ng 15 biktima.

Kinumpirma naman ng mga biktima ang nabanggit na mga reklamo at sinabi na kinakailangan umano nilang magtrabaho, kabilang ang paglilinis at paglalaba ng mga damit ng kanilang office staff at pamilya nila na siyang kabayaran sa kanilang mga dokumento, processing fee at airplane ticket pabalik sa kanilang probinsiya.

Kasong paglabag sa Section 5 of R.A. No. 10022 (Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, as amended); Section 4 of R.A. No. 10364 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003); Estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code; at Serious Illegal Detention sa ilalim ng Article 267 ng Revised Penal Code, all in relation to Section 6 of R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) ang kinakaharap ng mga inarestong opisyal at empleyado. Jocelyn Tabangcura-Domenden