Home METRO Pasaherong tulog sa bus ‘di na nagising sa Pangasinan

Pasaherong tulog sa bus ‘di na nagising sa Pangasinan

PANGASINAN-Hindi na nagising sa mahimbing na pagkakatulog ang isang pasahero matapos itong ma-high blood stroke sa loob ng sinasakyan bus sa lalawigang ito.

Kinilala ng Dagupan City Police Station ang biktima na si Jovito Aspiras Medina, 52, residente ng Cabinet Hill, Teachers Camp, Baguio City.

Ang biktima ay nakasakay ng bus na may biyaheng Baguio-Dagupan City, Pangasinan.

Habang nasa Tubao umano ang bus, nakita ng kunduktor na natutulog ang biktima na nakahiga sa bus seat kaya ginising niya ito.

Pagdating ng bus sa Damortis, ang kunduktor ay nagsimulang mangolekta ng ticket fare kaya ginising niya ang biktima nang makitang nakahiga uli ito na natutulog pero hindi ito nag-react .

Bandang 9:15 ng umaga ay dumating ang bus sa Victory Liner Bus Terminal sa Herrero –Perez, Perez Blvd., Dagupan City. Nadiskubre nila na hindi na humihinga ang biktima at agad nila itong inireport sa Dagupan City Police Station.

Dumating naman sa erya ang mga CDRRMO personnel ng Dagupan City kasama si Dr. Benjamin Marcial Oriña Bautista, Rural Health Physician at Medico Legal Officer ng naturang lungsod na nagdeklara na ang naturang pasahero ay wala nang vital signs bandang 10:00 AM at ang cause of death umano nito ay high blood stroke.

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa punerarya ng mga rumesponding personnel ng Dagupan City CPS. Rolando S. Gamoso

Previous articleBong Go sa Kongreso, gobyerno: Magpokus na sa trabaho!
Next articleCarla, handang makipagkita kay Tom!