Home TOP STORIES Pasay LGU kampyon ng kalusugan – DOH

Pasay LGU kampyon ng kalusugan – DOH

KINILALA ang Pasay LGU bilang kampeon ng kalusugan sa mga kumunidad sa buong kapuluan sa ginanap na aktibidad sa Le Pavillion sa Wave Pasay City.

Ang nasabing award na ipinagkaloob ng Department of Health (DOH) sa Pasay ay bilang pagkilala sa mga naging pagtugon sa serbisyong pangkalusugan ng Lunsod para sa mga Pasayeño.

Tinanggap ni Mayor Emi Calixto Rubiano ang nasabing award at pinasalamatan niya ang mga kinatawan ng DOH sa suporta at pagkilala sa kanilang serbisyong pangkalusugan sa Lunsod.

Binigyan diin ni Rubiano na mahalaga ang serbisyong pangkalusugan na maihatid sa bawat Pasayeño lalung-lalo na sa mga kabataan at mga nakatatanda.

Kabilang na dito ang pagdaragdag ng health care services, pagpapalawak sa mga health center, karagdagang mga gamot na maipahagi sa mga pasyente para sa kanilang pangangailangan, at redevelopment ng Pasay General Hospital.

” Health care is of utmost importance sa Pasay “, paniniyak ni Mayor Emi Calixto. (Dave Baluyot)