Home HOME BANNER STORY Police general sa 2022 Mayo drug fiasco sumuko na – CIDG

Police general sa 2022 Mayo drug fiasco sumuko na – CIDG

MANILA, Philippines – Sumuko sa mga awtoridad ang isang police general na kabilang sa sinilbihan ng arrest warrant kaugnay sa umano’y staged operation sa Maynila noong 2022, sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes, Pebrero 11.

Batay sa release order ng Regional Trial Court Manila Branch 44, boluntaryong sumuko si Police Lieutenant General Benjamin Santos Jr. at nagpiyansa ng P200,000.

“Around 4:48 a.m. this morning, sumuko po siya sa [Criminal Investigation and Detection Group] at binasahan po siya [warrant of arrest] at dumaan sa normal booking procedures,” pahayag ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo.

“After posting P200,000 bail, around 9:12 a.m. today, nai-release na po sa custody ng CIDG si General Santos pursuant po sa release order issued ng RTC Manila Branch 44,” dagdag niya.

Bago nito, nagpadala ang abogado ni Santos ng surrender feelers sa CIDG.

Hinintay ng mga awtoridad si Santos sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ayon sa korte sa Maynila, si Santos ay nagpiyansa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular na ang pag-antala o pakikialam sa prosekusyon ng drug cases.

Si Santos ay dating PNP deputy chief for operations.

Hanggang nitong Pebrero 3, may kabuuang 21 aktibong dating pulis na ang nasa kustodiya ng pulisya kaugnay sa kontrobersyal na anti-drug operation noong 2022. RNT/JGC