Manila, Philippimes – Muling magpapakitang-gilas si Winwyn Marquez sa ikaanim na edisyon ng Miss Universe Philippines bilang opisyal na kinatawan ng Muntinlupa City.
Ginanap ang pageant nitong February 8, Sabado.
Ani Winwyn, ang kanyang pinsang buo na si Michelle Marquez Dy ang kumumbinsi sa kanya na lumahok sa nasabing kumpetisyon.
Ang ama ni Winwyn na si Joey Marquez ay kapatid ng ina ni Michelle na si Melanie, na kinoronahang Miss International noong 1979.
Kabilang sa mga naging saksi sa pagkapanalo ni Winwyn ay ang kanyang anak na babae at ama nito na partner niya.
Sa panayam kay Winwyn, nangako siyang pagbubutihan ang pagsabak sa 6th MUP.
Hindi na bagito si Winwyn sa larangan ng pageantry.
Sumali siya sa 52nd Binibining Pilipinas noong 2015.
Bigo nga lang siyang masungkit ang korona na ipinutong kay Pia Alonzo Wurtzbach.
November 2017 naman nang koronahan si Winwyn bilang kauna-unhang Reina Hispanoamericano na ginanap sa Bolivia.