Home SPORTS Pasig City hinirang na overall champ sa Batang Pinoy 2025

Pasig City hinirang na overall champ sa Batang Pinoy 2025

388
0

MANILA, Philippines – Matatag na naibulsa ng Pasig City ang pangkalahatang titulo ng Batang Pinoy sa ikalawang sunod na pagkakataon sa isang manipis na kalamangan kotra Baguio City sa katatapos na  2025 na edisyon na ginanap sa General Santos City.

Humakot ang Pasig ang 95 golds, 72 silvers, at 87 bronzes para pamunuan ang multisport event sa ikalawang sunod na pagkakataon para sa mga atleta na may edad 17 pababa, na tinalo ang Baguio City ng apat na gintong medalya lamang.

Matatandaang noong 2024, nagkaroon ng mas malawak na margin ang Pasig matapos nitong makuha ang 105 gintong medalya, 13 higit pa sa Baguio City.

Gaya ng ipinangako ng organizing Philippine Sports Commission, ang Pasig City ay tatanggap ng P5 milyon para sa paglabas bilang pangkalahatang kampeon.

Ang Baguio, dating overall champion sa apat na magkakasunod na beses bago ang 2024, ay nagtala ng 91-72-74 (gold-silver-bronze) sa huling medal tally na inilabas ng PSC.

Pumapangatlo ang Davao City sa 53-53-65 count, sinundan ng Quezon City na may 45-51-57, at Manila na may 43-37-32.

Makakatanggap ng P4 milyon, P3 milyon, P2 milyon, at P1 milyon mula sa PSC ang  ikalawa hanggang ikalimang puwesto.

Ang Sta Rosa City ay nasa ika-anim na pwesto na may 38-29-30, habang ang host na General Santos City ay nakapasok sa ikapito na may 36-43-51.

Pumasok din ang Makati City (35-16-21), Cebu City (31-32-52), at Zamboanga City (27-18-15) sa top 10 ng medal tally.

May kabuuang 159 sa 188 local government units ang nanalo ng hindi bababa sa medalya sa multisport event kung saan 27 sports ang nilaro.RICO NAVARRO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here