MANILA, Philippines — Sinuspinde ang operasyon ng lahat ng istasyon ng Pasig River ngayong Lunes dahil sa Bagyong Nika (international name: Toraji), ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ng MMDA na walang mga ferry operations dahil nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang Metro Manila.
“Pinaaalalahanan ang lahat na mag-ingat at manatiling nakaantabay sa ating Facebook page para sa iba pang mahahalagang anunsyo,” saad sa Facebook post ng ahensya. RNT