Home NATIONWIDE Pasig River ferry ops suspendido ngayong Lunes

Pasig River ferry ops suspendido ngayong Lunes

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Pasig River Ferry Service ang suspensyon ng operasyon nito ngayong Lunes, araw ng eleksyon.

Balik-normal naman ang operasyon nito sa Martes, Mayo 13, base sa abiso.

Inanunsyo ng Malacañang na ang araw ng eleksyon ay isang holiday sa buong bansa upang makaboto ang mga botante.

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. ang Proclamation No. 878 noong Mayo 6.

Kasunod ang holiday declaration ng hirit ng Commission on Elections, nilalayong payagan ang mga Pilipinong makaboto ngayong Eleksyon 2025. RNT/SA