Home METRO Pasig River sinisilip bilang world-class tourism, transportation, economic hub

Pasig River sinisilip bilang world-class tourism, transportation, economic hub

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na gagawin nitong tourist attraction ang Pasig River.

Bukod sa gagawing tourist attraction ay gagawin din itong epektibong alternatibong transportation system.

Nauna nang inilatag ng DHSUD ang pangkalahatang plano nito para sa rehabilitasyon ng Metro Manila river system na may kasaysayan na nabigong muling buhayin ang programa.

Winika ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, chairman ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development (IAC-PRUD), na ang nagpapatuloy na rehabilitasyon ay magiging ‘functional’ lalo pa’t ang pangunahing layunin ay palakasin ang turismo at transportation connectivity sa Kalakhang Maynila.

“It is more than just a beautification project. We intend to implement functional development along the Pasig River that will promote tourism and transportation connectivity for the benefit of ordinary Filipinos,” ayon kay Acuzar.

Ipinasilip kung ano ang magiging hitsura ng Pasig River ayon kay Acuzar sa isinagawang inagurasyon noong Enero 17 sa initial phase ng proyekto, kabilang na rito ang showcase area at pedestrian walkway sa likod ng iconic Manila Central Post Office.

Tinukoy naman ang mga report mula sa kanilang mga tauhan, sinabi ni Acuzar na ang showcase area ay nakaaakit ng maraming tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay at itinampok sa social at mainstream media simula noon.

Ang nagpapatuloy na rehabilitasyon ay sa ilalim ng Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) at nakakuha ng commitment mula sa First Couple na sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.

Layon ng proyekto na gawin ang Pasig River na sentro ng turismo at economic activity, habang tumutulong na tugunan ang usapin sa trapiko sa mga lungsod sa tabi ng ilog sa pamamagitan ng paglikha ng tuloy-tuloy na koneksyon sa pagitan ng “road at water transport.”

Sinabi ni Acuzar na “the project is divided into nine sections traversing across several cities in the metropolis that intersect the river, from Manila Bay to Laguna de Bay.”

“When completed, pedestrians and bikers can travel through the entire 25-kilometer stretch of the pathway with seamless connectivity,” ayon kay Acuzar.

“Commuters can also transition from surface roads to water transport through bridge-walks, which will be constructed at major points that will serve as pickup and drop-off points for the water ferries,” dagdag na pahayag nito.

Idagdag pa rito, may walong iba pang showcase areas ang kahalintulad sa isang naitayo sa likod ng Manila Central Post Office ang itatayo naman sa tabi ng tinatawag na “banks of the river.”

Layon nito ayon kay Acuzar ay bigyan ang mga tao ng kaaya-ayang kapaligiran para mag-enjoy sa araw man o sa gabi kasama ang kanilang pamilya o kaibigan sa isang “well-lit open-space, park-like setting.”

Ang buong proyekto ayon kay Acuzar ay inaasahang matatapos sa loob ng tatlo hanggang limang taon at popondohan sa pamamagitan ng pribadong donasyon.

Kapag nagawa ito nang tama, sinabi ni Acuzar na ang nagpapatuloy na revitalization project ay magpapataas sa Pasig River sa antas ng ibang pangunahing waterways sa buong mundo gaya ng Thames River in London, Chao Phraya sa Bangkok at sa Seine River sa Paris.

“Notable among these waterways, aside from being popular tourist attractions, are the commercial and mixed-use developments that surround it,” ayon kay Acuzar.

“That’s what we want to see around Pasig River. We want to bring back its old glory and its place in history restored, but also breathe new life into it by bringing new and functional development around it,” dagdag na pahayag ito. Kris Jose

Previous article4 abogadong Fil-Am itinalagang hukom sa California
Next articleSUV sumalpok sa concrete barriers sa EDSA!