Home METRO SUV sumalpok sa concrete barriers sa EDSA!

SUV sumalpok sa concrete barriers sa EDSA!

Larawan mula sa X (DZBB Super Radyo)

MANILA, Philippines- Nagdulot ng pagbigat sa daloy ng trapiko sa EDSA southbound lane ang pagkakasalpok ng isang sports utility vehicle sa concrete barriers nitong Sabado.

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na natanggap nito ang ulat sa aksidente lampas alas-6 ng umaga.

Naharangan ng SUV ang EDSA Busway at ang katabi nitong regular lane.

Sinabi ng driver, na hindi nasugatan, na hindi niya napansin ang concrete barriers.

Dahil dito, pansamantalang dumaan ang mga bus sa regular lanes sa halip na sa EDSA Busway.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang MMDA sa insidente. RNT/SA

Previous articlePasig River sinisilip bilang world-class tourism, transportation, economic hub
Next articleDagdag-sahod ng mga kasambahay sa CALABARZON kasado