Home METRO Paslit nadiskubreng nagpapa-dialysis sa Bulacan

Paslit nadiskubreng nagpapa-dialysis sa Bulacan

46
0

Bustos, Bulacan – Nadiskubre ng kinauukulan na may naitalang 8 taong gulang na bata pa lang ay dina-dialysis na sa lalawigang ito.

Ipinahayag mismo ito ni Vice Governor Alex Castro sa kanyang talumpati sa ginanap na Damayan sa Barangay Medical Mission ng pamahalaang panlalawigan sa Brgy. San Pedro, Bustos nitong umaga ng Mayo 21.

Aniya, ang batang ito na nakadaupang palad niya kamakailan ay pawang lalaki at sa murang edad na anim o pito ay tinamaan na ito ng sakit hanggang sa dumating sa walong taong gulang ay nag-dialysis na ito.

Sinabi rin ng Bise Gobernador na posibleng namana na rin umano ng pasyenteng batang lalaki ang naturang sakit.

Personal umano niya itong tinutulungan gaya ng iba pang mga Bulakenyong nauna nang humingi ng tulong na magpa-dialysis.

Paalala din ng lingkod bayan na dapat mabantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak na nasa paaralan o nasa labas ng bahay na madalas kumakain ng mga pagkain na malasa ngunit masama sa katawan.

Ihinalimbawa niya ang mga pagkain na mabibilli sa tindahan gaya ng mga chichirya, instant noodles, cubes na pampalasa, pag-inom ng softdrinks, mga gamot at iba pa na nagiging dahilan sa pagkakaroon ng sakit sa bato, ayon na rin sa mga eksperto. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here