Home NATIONWIDE Paslit patay matapos maipit sa escalator sa ski resort sa Japan

Paslit patay matapos maipit sa escalator sa ski resort sa Japan

269
0

JAPAN — Isang limang taong gulang na batang lalaki ang nasawi matapos ma-trap sa isang escalator sa isang ski resort sa lungsod ng Otaru, Hokkaido sa hilagang Japan.

Ayon sa lokal na pulisya, bandang alas-10 ng umaga nang humingi ng saklolo ang ina ng bata matapos mangyari ang insidente.

Lumabas sa imbestigasyon na ang escalator na pinangyarihan ng aksidente ay nasa labas ng resort at nagsisilbing koneksyon ng parking area patungo sa mga ski slope.

Ito ay kahawig ng conveyor belt at walang hakbang sa bahaging tinatayuan ng mga sumasakay.

Kinilala ang biktima na si Hinata Goto, residente ng Sapporo.

Nadulas umano ang bata malapit sa dulo ng escalator dahilan upang maipit ang kanyang kanang braso sa umiikot na bahagi ng makina.

Inabot ng halos 40 minuto bago siya tuluyang maiahon ng mga rumespondeng awtoridad. Dinala ang bata sa ospital na wala nang malay at doon na idineklarang patay. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here