Home NATIONWIDE Pasok sa Bislig sinuspinde sa mataas na heat index

Pasok sa Bislig sinuspinde sa mataas na heat index

1
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang pasok sa lahat ng antas sa mga paaralan sa Bislig City, Surigao del Sur kasama ang pasok ng mga empleyado ng mga paaralan dahil sa mataas na heat index nitong Miyerkules, Agosto 12.

Nag-isyu ng kautusan si Mayor Florencio Garay na nagsususpinde sa pasok matapos na umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index na maituturing na nasa mapanganib na lebel.

Inatasan ang mga estudyante, magulang, teaching at non-teaching personnel na mag-ingat sa matinding init ng panahon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here