Home NATIONWIDE Pasok sa eskuwela sa Maynila, suspindido sa Set. 26-27

Pasok sa eskuwela sa Maynila, suspindido sa Set. 26-27

292
0

MANILA, Philippines – Bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Severe Tropical Storm Opong, iniutos ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang pagsuspinde ng face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan, sa Biyernes at Sabado, Setyembre 26–27, 2025.

Sa inilabas na abiso ng Manila Public Information Office, ang nasabing suspensiyon ay batay sa rekomendasyon ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO), kung saan ibinabala ng mga weather forecaster na magdadala ang bagyo ng malakas na pag-ulan, posibleng pagbaha, at malakas na hangin sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Ayon sa alkalde, ang lahat ng paaralan sa kabisera ng bansa ay pinapayuhan na lumipat sa ADM o Alternative Delivery Mode. —JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here