Home NATIONWIDE Rep. Teodoro, kinasuhan ng sexual assault, acts of lasciviousness

Rep. Teodoro, kinasuhan ng sexual assault, acts of lasciviousness

337
0

MANILA, Philippines – Dalawang pulis ang nagsampa ng reklamo laban kay Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro kaugnay ng umano’y panggagahasa sa pamamagitan ng sexual assault at acts of lasciviousness, ayon sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes.

Ayon sa DOJ, dating close-in security ni Teodoro ang mga complainant.

Isa ang nagsabing gumawa ang mambabatas ng acts of lasciviousness na pinarurusahan sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code. Ang isa naman, na una munang in-assign sa asawa ni Teodoro bago siya inilipat sa mambabatas, ay nagsabing biktima siya ng rape by sexual assault at iba pang kahalayan.

Hindi isinapubliko ng DOJ ang kanilang pagkakakilanlan para sa seguridad.

Sinabi naman ni Teodoro sa isang ulat na siya ay “waiting for the copy of the complaint.”

Dagdag ng DOJ, dadaan sa case build-up at legal evaluation ang mga reklamo bago isailalim sa preliminary investigation.

“The Department reiterates its commitment to act impartially and to pursue all cases strictly on the basis of evidence and law,” giit ng ahensya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here