Home HOME BANNER STORY Pasok sa gobyerno sa NCR, suspendido na rin

Pasok sa gobyerno sa NCR, suspendido na rin

MANILA, Philippines – Suspendido na rin ang trabaho ng gobyerno sa National Capital Region ngayong Lunes, Setyembre 2 dahil sa sama ng panahon dulot ng pagbayo ng Bagyong Enteng.

Ang anunsyo ay kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa mga mamamahayag ng Palasyo.

Ani Bersamin na simula 8:30 ng umaga ngayong Lunes ay suspendido na ang lahat ng pasok ng sa government offices sa Metro Manila maliban sa mga opisinang nakatuon sa pagresponde sa sakuna.

Nauna nang nag-anunsyo ang Malakanyang ng suspensyon ng klase sa lahat ng pampubliko at pribadong iskul sa Metro Manila. RNT