Home NATIONWIDE Pasok sa ilang korte sa Ifugao suspendido bukas, Setyembre 2

Pasok sa ilang korte sa Ifugao suspendido bukas, Setyembre 2

309
0

MANILA, Philippines – Nagsuspinde ng pasok ang ilang korte sa Ifugao bukas, Setyembre 2 bilang paggunita sa pagsuko ni Imperial Japanese Army General Tomoyuki Yamashita, ayon sa Korte Suprema nitong Lunes, Setyembre 1.

Sa kalatas, sinabi ng SC na suspendido ang pasok sa mga sumusunod na korte:

Lagawe, Ifugao Regional Trial Court (RTC) Branch 14; Banaue, Ifugao RTC Branch 34; at
Municipal Circuit Trial Courts sa Lagawe-Hingyon sa Lagawe; Banaue-Hungduan-Mayoyao sa Banaue; at Lamut-Kiangan-Asipulo-Tinoc sa Lamut.

Sa kasaysayan, sumuko si Yamashita sa Kiangan, Ifugao ilang linggo matapos ang anunsyo ng pagsuko ng Japan noong Agosto 15, 1945 sa kasagsagan ng World War II.

Ang kanyang pagsuko ay inaalala tuwing Setyembre 3 na idineklarang special working public holiday sa buong bansa batay sa Republic Act No. 11216.

Si Yamashita ay napatunayang guilty sa war on crimes at sinentensyahan ng kamatayan noong 1946. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here