MANILA, Philippines – Suspendido ang pasok sa lahat ng korte sa ilang lugar sa Ilocos Sur pagsapit ng hapon ng Miyerkules, Marso 12, dahil sa inaasahang power interruption.
Ayon sa Korte Suprema, suspendido simula alas-2 ng hapon ang pasok sa lahat ng korte at opisina sa Candon City, Galimuyod, Sta. Cruz, Sta. Lucia at Gregorio del Pilar.
“In view of the power interruption on March 12 from 6 a.m. to 6 p.m…. and considering the high heat index experienced in the province, work in all courts and offices is hereby suspended starting at 2 p.m.,” saad sa memorandum mula kay Candon Regional Trial Court Executive Judge Gina Juan-Chan.
Ani Juan-Chan, pananatilihin naman ang skeleton workforce hanggang alas-5 ng hapon. RNT/JGC