Home METRO Pasok sa Miriam College suspendido sa sunog

Pasok sa Miriam College suspendido sa sunog

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang pasok sa eskwela at opisina sa Miriam College – Loyola Heights Campus nitong tanghali ng Miyerkules, Pebrero 12.

Ito ay dahil sa malaking sunog na sumiklab sa isang warehouse sa Barangay Malanday, Marikina.

“The students of the Grade School and High School units of MC Loyola Heights are dismissed at 12:00nn, 12 February 2025, due to smoke coming from the fire located at Malanday, Marikina,” ayon sa pamunuan ng paaralan.

Dagdag pa, sinuspinde rin ang pasok sa basic education units pagsapit ng ala-1 ng hapon.

Kasalukuyang inaapula ng mga bumbero ang sunog sa naturang warehouse. RNT/JGC