Home NATIONWIDE Feb. 14 idineklarang special non-working holiday sa Pagudpud

Feb. 14 idineklarang special non-working holiday sa Pagudpud

MANILA, Philippines – Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Pebrero 14, 2025 bilang special non-working day sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Ito ay upang maipagdiwang ng mga residente ang ika-71 foundation anniversary ng bayan.

“It is but fitting and proper that the people of the municipality of Pagudpud be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” sinabi ni Marcos sa Proclamation 796 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Pebrero 10.

Batay sa proklamasyon, layunin ng mahabang weekend na mapalakas ang domestic tourism.

Bilang bahagi ng selebrasyon, gaganapin ang isang job fair na lalahukan ng mga lokal na kompanya.

Magkakaroon din ng blood donation drive at libreng issuance ng birth, marriage, o death certificates sa municipal plaza. RNT/JGC