Home HOME BANNER STORY Pasya ng SC hinihintay pa ng DOJ sa arrest warrant ng ICC...

Pasya ng SC hinihintay pa ng DOJ sa arrest warrant ng ICC vs Bato

68
0

MANILA, Philippines – Hinihintay ng Department of Justice (DOJ) ang magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa ICC arrest warrant laban kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sa press conference, sinabi ni Justice Secretary Frederick Vida, nagpapatuloy pa ang fact-finding investigation kaugnay sa mga pangyayari mula Mayo 11 hanggang Mayo 14.

Sinabi ng kalihim na kailangan munang makumpleto ang ebidensya bago magbigay ng anumang konklusyon ang DOJ.

Kabilang din sa iniimbestigahan ang insidente ng pagpapaputok ng baril sa Senado na umano’y naglagay sa panganib sa publiko at media personnel.

Nilinaw din ng DOJ na hindi pa maaaring sabihing may obstruction of justice o pananagutan ang mga umano’y tumulong kay Dela Rosa dahil pinag-aaralan pa ito ng prosecuting panel.

Ayaw rin umano ng DOJ na gamitin agad ang mga terminong “escape” o “fugitive from justice” habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Kaugnay naman sa ICC warrant, sinabi ng DOJ na saklaw ng koordinasyon ng pamahalaan ang Philippine Center for Transnational Crime o PCTC at hindi lamang Interpol.

Ipinaliwanag din ng DOJ na maaaring ipatupad ang ICC warrant sa ilalim ng Interpol red notice o Republic Act 9851 kaugnay ng crimes against humanity cases bago ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute noong 2019.

Gayunman, sinabi ng DOJ na maselan ang sitwasyon dahil incumbent senator si Dela Rosa at may nakabinbing usapin pa sa Korte Suprema.

Samantala, kinumpirma rin ng DOJ na may proper coordination sa deployment ng mga armadong tauhan ng NBI sa GSIS at paligid ng Senado noong kasagsagan ng operasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here