Home HOME BANNER STORY Patay kay Kristine, 116 na – NDRRMC

Patay kay Kristine, 116 na – NDRRMC

137
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 116 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes, Oktubre 28.

Sa naturang ulat,10 ang naberipika na at ang iba ay sumasailalim pa sa validation.

Mayroong 39 na indibidwal ang nawawala at 109 ang sugatan.

Naapektuhan ng bagyong Kristine ang 6.7 milyong katao o 1.6 milyong pamilya mula sa 10,147 barangay sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 980,355 indibidwal ang lumikas at kailangang tumuloy sa 6,286 evacuation centers.

Dagdag pa, nagdulot din ang bagyo ng P2.5 bilyong halaga ng pinsala sa agrikultura at P1.5 bilyong halaga ng pinsala sa imprastruktura.

Aabot naman sa 3,004 tirahan ang tuluyang nawasak at 41,533 ang partially damaged.

Nasa ilalim ng state of calamity ang 160 lungsod at munisipalidad ayon sa NDRRMC. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here