Home METRO Patay na fetus natagpuan sa Valenzuela

Patay na fetus natagpuan sa Valenzuela

144
0

MANILA, Philippines – NADISKUBRE ang isang patay na lalaking fetus matapos makalkal ng isang mangangalakal ng basura sa Valenzuela City.

Sa tinanggap na report ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, dakong alas-10:00 ng gabi nang matagpuan ng saksing si alyas Alex, 18, scavenger ng P. Faustino St., Brgy. Punturin ang fetus sa harap ng isang convenience store sa Kabesang Porong St., Brgy. Punturin.

Base sa pahayag ni ‘Alex’ sa pulisya, habang nangangalakal siya ng basura sa naturang lugar nang madiskubre niya ang patay na fetus na nakasilid sa isang green na plastic bag at nakabalot ng tela.

Kaagad ipinaalam ng saksi sa mga tanod ng barangay Punturin ang kanyang natuklasan na sila namang nagreport ng insidente sa mga tauhan ng Bignay Police Sub-Station (SS-7).

Dinala ang fetus sa NPD Forensic Unit para sa autopsy examination sa pamamagitan ng pasilidad ng Philip Sabino Funeral Service habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa nagtapon sa fetus sa nasabing lugar. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here