Home HOME BANNER STORY Patay sa Cebu quake, 76 na

Patay sa Cebu quake, 76 na

285
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 76 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City, Cebu noong Setyembre 30, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes, Oktubre 16.

Sa 6 a.m. report, sinabi ng NDRRMC na mayroon namang 559 katao ang nasaktan sa lindol.

Kabuuang 748,025 katao o 216,962 pamilya sa Central Visayas ang apektado ng lindol.

Sa apektadong populasyon, 4,818 katao o 1,236 pamilya ang tumutuloy sa mga evacuation center habang 16,798 katao o 4,199 pamilya ang tumutuloy sa ibang lugar.

Ayon pa sa NDRRMC, 134,227 tirahan ang nasira. Sa nasabing bilang, 126,932 dito ang partially damaged at 7,295 ang totally damaged.

Nasa 959 imprastruktura rin na nagkakahalaga ng P6,765,661 ang nasira. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here