Home HOME BANNER STORY Patay sa Davao de Oro landslide, 55 na

Patay sa Davao de Oro landslide, 55 na

MANILA, Philippines – Umakyat pa sa 55 ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa Maco, Davao de Oro.

Sa 7 a.m. update, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Maco na 32 ang nasaktan habang isinasailalim pa sa validation ang tally ng mga nawawalang indibidwal at unidentified bodies.

Nitong Linggo ng gabi, 63 katao ang napaulat na nawawala.

Noong Pebrero 6, nagdulot ng landslide ang malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan sa Mindanao.

Sapul sa landslide ang apat na barangay kung saan ilang tirahan, barangay hall at mga bus ang nalubog sa lupa.

Nasa kabuuang 1,388,691 katao o 415,496 pamilya ang apektado ng masamang panahon sa Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.

Samantala, umakyat na sa P738,619,756 ang halaga ng pinsala sa imprastruktura habang P212,544,830 naman sa sektor ng agrikultura. RNT/JGC