Home HOME BANNER STORY Patay sa Japan quake, 62 na!

Patay sa Japan quake, 62 na!

JAPAN – Umakyat na sa 62 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.5 na lindol na tumama sa Ishikawa prefecture, sa Honshu, Japan noong Enero 1.

Matatandaan na nagdulot pa ng tsunami na mahigit isang metro ang nangyaring lindol.

Isa sa pinakanapuruhan ang Noto Peninsula sa daan-daang gusaling gumuho at nasunog, at mga pinatumbang bahay sa ilang mga bayan katulad ng Wajima at Suzu.

Inanunsyo ng regional government nitong Miyerkules, Enero 3, na 62 ang kumpirmadong patay at mahigit 300 ang nasaktan.

Inaasahang tataas pa ang death toll sa patuloy na paggalugad ng mga rescuers sa mga gumuhong gusali at tirahan.

Aabot naman sa 31,800 katao ang nananatili sa mga shelter.

“More than 40 hours have passed since the disaster. We have received a lot of information about people in need of rescue and there are people waiting for help,” pahayag ni Prime Minister Fumio Kishida sa isang emergency task force meeting.

“Rescue efforts are being made by the local authorities, police, firefighters and other operational units, while the number of personnel and rescue dogs is enhanced.

“However, we ask you to remain fully mindful that we are in a race against time and to continue to do your utmost to save lives, putting people’s lives first,” dagdag pa ni Kishida. RNT/JGC

Previous articleM-5.3 na lindol yumanig sa Surigao del Sur
Next articleP40M cash, alahas tinangay ng mga magnanakaw sa mall sa Ozamiz