Home HOME BANNER STORY P40M cash, alahas tinangay ng mga magnanakaw sa mall sa Ozamiz

P40M cash, alahas tinangay ng mga magnanakaw sa mall sa Ozamiz

MANILA, Philippines – Nasa P40 milyon halaga ng alahas at cash ang natangay mula sa isang shopping mall sa Ozamiz City, Misamis Occidental noong Bagong Taon, Enero 1.

Ayon sa Ozamiz City Police, ang pagnanakaw ay naganap sa loob ng Gaisano Mall sa Purok 3, Barangay Baybay Sta. Cruz.

Nadiskubre na lamang ng empleyado ng mall bandang alas-11 ng umaga nitong Lunes, ang insidente.

Hindi pa pinangalanan ng pulisya ang mga suspek, na pumasok umano sa entrada ng mall sa pamamagitan ng paghuhukay sa kalapit na drainage patungo sa food court ng mall.

Nang makapasok umano ang mga salarin sa loob ng mall, pwersahan ng mga ito na binuksan ang nakalagay na Automated Teller Machine (ATM), at kinuha ang cash sa loob nito.

Pumasok din ang mga suspek sa dalawang jewelry shops sa pamamagitan ng pagbasag sa salamin, saka kinuha ang mga cash at alahas mula sa mga vault.

Naaresto ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek sa isang follow-up operations, habang pinaghahanap pa ang ibang kasabwat nito.

“Intelligence-driven checkpoint operations were already established in all the egress areas of the city, and relentless manhunt operations are still being conducted to arrest other suspects involved in the robbery,” saad sa pahayag ng Ozamiz City Police. RNT/JGC

Previous articlePatay sa Japan quake, 62 na!
Next articleFireworks-related injuries, sumampa na sa 500 – DOH