Home HOME BANNER STORY Fireworks-related injuries, sumampa na sa 500 – DOH

Fireworks-related injuries, sumampa na sa 500 – DOH

MANILA, Philippines – Tumaas na sa 557 ang fireworks-related injuries na naitala nitong Miyerkules, Enero 3 kasunod ng karagdagang 114 na bagong kaso, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa isang advisory, sinabi ng DOH na ang 114 na bagong kaso ay naitala mula alas-6 ng umaga noong Enero 2 hanggang alas-5:59 ng umaga noong Enero 3.

Sinabi rin nito na ang pinakabatang kaso ay isang 10-buwang gulang na sanggol mula sa Metro Manila o National Capital Region (NCR) na ang kanang mata ay nasugatan ng kwitis sa loob ng kanilang tahanan.

Samantala ang pinakamatandang kaso ay isang 77-anyos na lalaki mula sa Ilocos Region na nagtamo ng paso mula sa whistle bomb na inilunsad ng ibang tao sa loob ng kanilang tahanan, dagdag ng DOH.

Sa abiso ng DOH, siyamnapu’t pitong porsyento (111, 97%) ng mga bagong kaso na ito ay nangyari sa bahay at sa mga lansangan. Ang karamihan (59, 52%) ng mga kaso ay dahil sa mga legal na paputok. Sampung (9%) indibidwal ang naospital dahil sa kanilang mga pinsala.

Sa kabuuang FRWI, 555 ang dahil sa mga paputok; ang isa ay dahil sa paglunok ng watusi, at ang isa naman ay dahil sa ligaw na bala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP40M cash, alahas tinangay ng mga magnanakaw sa mall sa Ozamiz
Next articleJiro, ibinenta ang best actor trophy!