Home ENTERTAINMENT Jiro, ibinenta ang best actor trophy!

Jiro, ibinenta ang best actor trophy!

Manila, Philippines – Aanhin nga naman ang parangal kung ang sikmura nama’y umaangal?

Ganito ang sitwasyong kinapapalooban mismo ng reformed former actor na si Jiro Manio.

Si Jiro ang featured celebrity sa latest episode ng Pinoy Pawnstars ni Boss Toyo.

Matatandaang kay Boss Toyo inialok ni Juliana Pariscova ang mga napanalunan niyang korona sa Miss Q & A na segment noon ng It’s Showtime.

In Jiro’s case, inilapit naman ng dating aktor sa kanya ang Best Actor trophy nito na nakuha sa pelikulang Magnifico.

Directed by Maryo J. de los Reyes, all-star cast ang Manifico ni Jiro.

Nasungkit niya ang Best Actor award mula sa Urian noong 2004.

Obyus na may pinagdaraanang financial crisis si Jiro.

Ito’y sa kabila ng kanyang pagbabagong-buhay.

Isa nang volunteer si Jiro sa DOH Rehab Center sa Bataan.

Having been rehabilitated four times himself, naibabahagi ni Jiro ang kanyang mga karanasan sa mga pasyente roon.

Back to Boss Toyo, upon the advice of his sibling ay subukang ibenta raw ni Jiro ang tropeo sa halagang P500k.

Obyus na nataasan si Boss Toyo sa asking price ni Jiro.

Katapus-tapusan ay nagkasundo sila sa P75k makaraang tawaran ito ni Boss Toyo ng P50k.

Bale ba, kinailangan pang pirmahan ni Jiro ang likod ng tropeo to establish ownership.

Hindi kasi nakasulat ang pangalan niya sa trophy.

Ano kaya ang masasabi ng mga batikang film critics na bumubuo ng Gawad Urian tulad ni Butch Francisco? Ronnie Carrasco III

Previous articleFireworks-related injuries, sumampa na sa 500 – DOH
Next articleGinang na wanted sa Malabon, tiklo