Home METRO Ginang na wanted sa Malabon, tiklo

Ginang na wanted sa Malabon, tiklo

MANILA, Philippines – ARESTADO ang isang most wanted na ginang sa isinawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jay Baybayan ang naarestong akusado na si alyas “Mary”, 47, clinic staff at residente ng Brgy. Baritan ng lungsod.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na dakong alas-10:50 ng gabi nang magsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 7 na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-10:50 ng gabi sa Celia II St., Brgy., Bayan-Bayanan.

Ayon kay PCMS Jessie Rebato na nanguna sa operation, ang akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest para sa Other Acts of Child Abuse under Section 10 (A) of RA 7610 (Service of Sentence) na inisyu ni Presiding Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz ng Regional Trial Court, Branch 169, Malabon City noong December 29, 2023.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Malabon police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Boysan Buenaventura

Previous articleJiro, ibinenta ang best actor trophy!
Next articleRuta ng Traslacion, ligtas – DPWH