Home METRO Ruta ng Traslacion, ligtas – DPWH

Ruta ng Traslacion, ligtas – DPWH

MANILA, Philippines – Nagsasagawa ngayon ng road maintenance ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga ruta na daraanan ng Traslacion o prusisyon ng andas ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Sa kanyang report kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, sinabi ni DPWH National Capital Region Director Loreta M. Malaluan na ang DPWH north at South District Engineering Offices (DEOs) ay inatasan na ayusin ang mga sira at iba pang road hazards o mga sagabal sa daan, kasunod ng joint inspection ng komite ng Feast of the Black Nazarene.

“Potholes, as well as tree branches and other road obstructions within road right-of-way are now being cleared by our DEOs to ensure safety of the devotees,” saad ni Director Malaluan.

Papalitan din ng pansamantalang railings ng Arlegui Bridge sa pagtatayo ng permanent concrete railing para kayanin ang crowd o dami ng mga deboto na sasama sa prusisyon.

Bukod dito, sinabi ni Malaluan na ilang road barriers mula sa DPWH DEOs ang ipapagamit para sa crowd control at pag-secure sa ruta ng Traslacion na magsisimula sa Quirino Grandstand. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleGinang na wanted sa Malabon, tiklo
Next articleNo. 2 sa OCTA senatorial survey: ‘Di ko sasayangin ang inyong pagtitiwala – Bong Go