MANILA, Philippines – Ito ang pabirong sinabi ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte, sabay sabing marahil ito ang dapat gawin para sa Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan’s (PDP-Laban) senatorial slate upang makaakyat sa upper chamber.
Personal na inendorso kasi Digong Duterte ang SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta sa isinagawang proclamation rally ng senatorial candidates ng PDP-Laban at Club Filipino, San Juan, Manila, kung saan binigyang diin ng dating Pangulo ang pangangailangan para sa mga mambabatas na makapasok sa Senado.
“Ngayon, marami kasi sila, ano dapat ang gawin natin? Edi patayin natin yung mga senador ngayon para mabakante,” aniya pa rin.
Winika pa ni Digong Duterte na “Kung makapatay ka ng kinse na senador, pasok na tayong lahat,” ang pahayag nito.
“Talking of opportunities, the only way to do it is to pasabugin na lang natin yan,” ang sinabi ni Digong Duterte.
Samantala, personal na inendorso ni Digong Duterte ang senatorial candidates ng PDP-Laban na sina Senador Bong Go at Bato Dela Rosa, abogado at mang-aawit Jimmy Bondoc, abogado Raul Lambino, aktor Philip Salvador, abogado Jayvee Hinlo, Rep. Rodante Marcoleta, pastor Apollo Quiboloy, at dating executive secretary Vic Rodriguez. Kris Jose