Home ENTERTAINMENT Netizens, hati-opinyon sa muling pag-uusap ng KathNiel!

Netizens, hati-opinyon sa muling pag-uusap ng KathNiel!

Manila, Philippines – Good news para sa mga KathNiel fans–may komunikasyon na uli ang kanilang mga idolo!

Ito ang kinumpirma ni Cristy Fermin sa kanyang online program na Showbiz Now Na.

Gayunpaman, nag-isyu ng pasubali ang batikang manunulat.

Aniya, maaaring itanggi ito nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Pero sumusumpa si Cristy na reliable o mapagkakatiwalaan ang kanyang source.

Mediator o tagapamagitan din daw ang kanyang source ng impormasyon.

Saad ni Cristy: “Ang source ko ay best friend ni Kathryn na malapit din kay Daniel…opo, may komunikasyon na ang dating magnobyo!”

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens.

Kung simpleng pag-uusap lang naman ay walang problema.

Hindi naman daw ibig sabihin niyon ay mapapayag ni Daniel na makipagbalikan sa kanya si Kathryn.

Katwiran ng netizen: “Masaya na si

Kathryn ngayon!”

May maganda nga kayang patutunguhan ang muling pag-uusap ng dating magkasintahan? Ronnie Carrasco III