Home ENTERTAINMENT Herlene, nilabasan ng dila ng leading man; Tony, pumiyok!

Herlene, nilabasan ng dila ng leading man; Tony, pumiyok!

Manila, Philippines – Pag idinaan sa blind item at pumiyok ang isang artista, tiyak na siya ‘yon.

Ganitong-ganito ang nangyari kay Tony Labrusca.

Isa si Tony sa dalawang leading men ni Herlene Budol sa bago nitong teleserye sa GMA, ang Binibining Marikit.

Afam as in foreigner ang isa pa.

Inamin mismo ni Herlene na parehong “nakalaplapan” niya ang dalawang katambal niya.

Pero idinaan na lang ng sexy comedienne sa blind item ang pagkukuwento na isa sa dalawang leading men niya ang nilabasan siya ng dila during the kissing scene.

Hindi na sana magkakabukingan kung hindi pumiyok si Tony.

Hayun, nabistong sa kanya pala ang dilang nakipag-iskrimahan sa dila ni Herlene!

Anyway, ang nasabing teleserye ang followup project offered to Herlene after Magandang Dilag.

Medyo traumatic nga lang para sa kanya ang naging isyu sa kanila ni Rob Gomez.

Naghihinakit si Herlene na iniwan siya ni Rob sa ere, dahilan para mag-seek siya ng psychiatric help dahil sa trauma na inabot niya. Ronnie Carrasco III