Home NATIONWIDE Patient Appointment System inilunsad ng DOH para sa bils-serbisyo sa public hospitals

Patient Appointment System inilunsad ng DOH para sa bils-serbisyo sa public hospitals

350
0

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang Patient Appointment System (PAS), isang makabagong digital platform na layong pabilisin at paigtingin ang serbisyo medikal sa mga pampublikong ospital sa bansa.

Sa pangunguna ni Health Secretary Ted Herbosa, inilunsad ang PAS sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila. Kabilang din sa mga pilot hospitals ang Jose R. Reyes Memorial Medical Center at San Lazaro Hospital.

Ayon kay Herbosa, ang bagong sistema ay nagbibigay-daan para sa mas mabilis na appointment booking—tatagal lamang ng dalawa hanggang tatlong minuto ang proseso ng online scheduling. Layon nitong mabawasan ang mga pila at ang matagal na paghihintay para sa konsultasyon.

“Ang sistemang ito ay tugon sa panawagan para sa digital transformation sa sektor ng kalusugan, alinsunod sa 8-Point Action Agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., partikular sa paggamit ng teknolohiya upang mapabilis ang serbisyo,” pahayag ni Herbosa.

Ayon sa DOH, libo-libong pasyente, kabilang na ang buntis at kabataang mga pasyente, ang inaasahang makikinabang sa PAS. Bukod sa online booking, tampok din sa sistema ang automated reminders para sa schedule ng konsultasyon, pati na rin ang rescheduling options kung kinakailangan.

Layunin ng DOH na palawakin pa ang implementasyon ng PAS sa iba pang pampublikong ospital sa mga susunod na buwan bilang bahagi ng kampanya para sa accessible at epektibong healthcare system. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here