Home ENTERTAINMENT Paula, asiwa kay Ryan!

Paula, asiwa kay Ryan!

253
0

Manila, Philippines- Disappointed marahil si Ryan Bang dahil “fruitless” ang surprise visit

niya kay Paula Huyong nang lumahok ito sa Hola, Escolta streetfest nitong November 29.

Kabilang ang Siesta Horchata Cafe ni Paula sa event.

Sorpresa namang dumating sa pop-up event si Ryan na may dalang bouquet of flowers.

Inakala nga ng mga naroon na hudyat ‘yon ng pagbabalikan nila.

Naiulat kasing break na ang dalawa base sa pagbura ni Paula ng mga photos at videos nila sa Instagram.

This led to talk na called off na ang kanilang engagement, and therefore, no wedding–here and in South Korea–will ever take place.

Ang totoo pala, kalagitnaan ng 2025 pa nag-break sina Paula at Ryan sa ‘di malamang dahilan.

Neither of the two has confirmed the breakup though to this day.

Back to the recent event, may dala ring vlogging camera si Ryan.

Nakunan ang pag-akbay niya kay Paula, but the camera wouldn’t lie.

Halata kasing uncomfortable si Paula to the point na kumalas siya sa pag-akbay ni Ryan sa kanya.

Malinaw din ang pahayag ni Paula na: “We’re mature enough to be friends!”

Pero sa makailang ulit na pagsasabi niya na “friends” sila’y ino-off ni Ryan ang volume ng video.

In short, obyus na ayaw ipaalam ni Ryan ang tunay na estado nila.

Base sa behavior ni Paula, manhid na si Ryan para hindi maramdamang ayaw na sa kanya ni Paula.

It’s about time siguro that Ryan learned to accept the painful truth.

Panahon na rin para ibaling niya sa ibang babae ang kanyang atensyon. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here