Home ENTERTAINMENT Marian, never ookrayin si DTI sec sa P500 novhe buena?

Marian, never ookrayin si DTI sec sa P500 novhe buena?

235
0

Manila, Philippines – Mag-aalsa ang lahat ng mga celebrity–sikat man o hindi–maliban kay Marian Rivera?

Ito ang patanong na hula kung sinu-sino pa sa mga artista ang mang-ookray kay DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque kaugnay ng kontrobersyal niyang P500 Noche Buena package.

Matindi kasi ang mareklamong reaksyon lalo na ng mga taga-showbiz sa tinuran ni Roque–sa kung anu-anong pagkain ang kakasya sa nasabing halaga na panghanda sa bisperas ng Pasko.

Ayon kay Roque, kasya na daw ang P500 sa isang pamilyang may apat na miyembro.

With P500, meron ka na daw ham, spaghetti at macaroni salad.

May video na mapapanood kung saan ang mga respondents ay mismong mga nagtitinda sa palengke.

Nagkakaisa sila sa reaksyon na sa mahal ng mga bilihin ngayon–kabilang na ang mga rekado sa pagkain–ay imposibleng mapagkasya ang P500.

llan din sa mga artista ang may ganito ring pananaw–the likes of Edu Manzano, at ang pinakahuli, QC Councilor Aiko Melendez.

Tila madadagdagan pa ang bilang nito sa hanay ng mga artista, but wait–mukhang malabong makasama si Marian Rivera sa mga haters ni Roque.

Bakit ‘ika n’yo?

It’s important to know a little background of the trade secretary.

Ang 57 anyos na Kalihim lang naman ang founder ng Kamiseta clothing–para sa mga kababaihan.

Meron itong 40 branches nationwide.

Bukod dito’y nagmamay-ari din si Roque ng skin clinic–and here’s the catch.

Ang endorser nito’y walang iba kundi si Marian Rivera–yes, Mrs. Dingdong Dantes herself.

Kilalang isa sa mga forte ni Marian ay ang pagluluto.

Ilan nga sa mga panalo niyang niluluto sa bahay ay menudo na ang recipe ay courtesy pa ng kanyang lola.

Bukod sa menudo, bongga rin daw mag-spaghetti ang Kapuso actress.

May authority nga si Marian pagdating sa budget at kusina–pero maatim kaya niyang okrayin si Roque?

Kayo na po ang sumagot. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here