Manila, Philippines- Inanunyo na ng PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) ang mga nagwagi para sa iba’t-ibang kategorya para sa kanilang 26th Gawad PASADO, na gaganapin sa Oktubre 12 sa Philippine Christian University, Manila.
Si Paulo Avelino ang tinanghal na PinakaPASADONG Aktor sa Telebisyon para sa role niya na pinagtaksilan ng asawang si Kim Chiu, sa seryeng Linlang.
Ka-tie niya si John Arcilla para naman sa Dirty Linen.
Si Janine Guttierez naman ang wagi bilang PinakaPASADONG Aktres sa Telebisyon para sa Dirty Linen. At ang nasabing teleserye naman ang mag-uuwi ng tropeo bilang PinakaPASADONG Teleserye.
Narito pa ang mga nanalo para sa major categories sa 26th Gawad PASADO.
PinakaPASADONG Pelikula ng Taon-Gomburza, Firelfly at Third World Romance.
PinakaPASADONG Direktor ng Taon-Jose Pepe Diokno (GomBurZa).
PinakaPASADONG Aktres- Charlie Dizon (Third World Romance) at Kathryn Bernardo (A Very Good Girl).
PinakaPASADONG Aktor-Cedrick Juan (GomBurZa) at Ken Chan (Papa Mascot).
PinakaPASADONG Katuwang na Aktres- Dolly de Leon (A Very Good Girl).
PinakaPASADONG Katuwang na Aktor- Enchong Dee (GomBurZa) at Epy Quizon (Firefly).
Samantala, sa tanong kung bakit hindi na-nominate si Nora Aunor bilang PinakaPASADONG Aktres para sa pelikula nitong Pieta, na ang husay-husay niya roon, ang sabi ng mga taga-PASADO, naka anim na PinakaPASADONG Aktres trophy na sa kanila si ate Guy.
Niluklok na ito bilang Hall of Famer para sa PinakaPASADONG Aktres, kaya hindi na ito pwedeng ma-nominate o manalo. Rommel Placente