MANILA, Philippines – Inaasahang sunod na lalaban si WBC minimumweight champion Melvin Jerusalem sa Japan matapos nitong idispatsa ang mabunganga at dating walang talong si Mexican challenger Luis Castillo noong Linggo.
Sa isang interview, sinabi ng kanyang promoter na si JC Manangquil ikinakasa ang laban ni Jerusalem at Japanese boxer na si Yudai Shigeoka.
Ayon kay Managquil, interesado si Shigeoka na labanan ang Pinoy sa Japan.
Aminado ang promoter na nagsasagawa na sila ng pag-uusap para matuloy ang nasabing laban.
Bukod kay Shigeoka, pinagpipilian din ng promoter na makalaban ng Pinoy ang 34-anyos na si Thailand boxer Thammanoon Niyomthrong para sa isang unification showdown.
Tinaguriang longest reigning minimum champion ang Thai boxer at kasalukuyang hawak ang trono ng WBA mula pa noong 2016.
Kundi umano si Shigeoka ang makakasagupa, maaring si Niyomthrong ang makabakbakan ng Pinoy sa susunod na taon.JC