Home NATIONWIDE Pax Silica initiative pinag-usapan nina PBBM at Rubio

Pax Silica initiative pinag-usapan nina PBBM at Rubio

2
0

MANILA, Philippines — Tinalakay ni President Ferdinand Marcos Jr. at US Secretary of State Marco Rubio ang Pax Silica initiative at Luzon Economic Corridor sa kanilang pulong sa Malacañang, ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez nitong Miyerkules.

“Pax Silica and the Luzon Economic Corridor are two of the main points that President Marcos has expressed. Well, I wouldn’t say gratitude, but he’s very pleased that it’s moving quickly and that will definitely help the Philippine economy,” sinabi ni Romualdez sa mga reporter.

Ang Pax Silica ay pangunahing programa ng US Department of State na nakatuon sa artificial intelligence at seguridad ng supply chain. Layunin nitong bumuo ng bagong economic security framework kasama ang mga kaalyado at pinagkakatiwalaang partner ng Estados Unidos.

Opisyal na sumali ang Pilipinas sa Pax Silica noong Abril kasama ang 22 iba pang lumagda, kabilang ang European Union, Japan, India, Singapore, South Korea at United Kingdom.

Sa ilalim ng inisyatiba, nagtutulungan ang Manila at Washington upang magtatag ng 4,000-acre industrial hub na inaasahang magiging modelo para sa mga investment na nakatuon sa artificial intelligence sa loob ng Luzon Economic Corridor.

Nauna nang sinabi ng Department of Finance na kabilang sa pangunahing economic priorities ng Estados Unidos ang mga aktibidad na may kaugnayan sa Pax Silica sa Pilipinas. Inihahanda rin ng ahensiya ang legal at operational framework para sa pagpapatupad nito.

Gayunman, nagbunsod ang US-led initiative ng mga pangamba kaugnay ng pambansang soberanya, paggamit ng lupa, at posibleng epekto nito sa kapaligiran at geopolitika. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here