MANILA, Philippines – Mismong si PBA Commissioner Willie Marcial ang nagpahayag na maaaring kanselahan ang Philippine Basketball Association All-Star festivities ng Season 49 dahil ang potensyal na host ay hindi available para sa nakatakdang petsa.
Ayon kay Marcial, nabigo ang liga na magkaroon ng kasunduan sa lalawigan na ipapalit sana sa Davao sa pagtatanghal ng taunang classic.
“Most likely the All-Star will be gone,” ani Marcial kasunod ng laro ng PBA Philippine Cup sa pagitan ng TNT at NLEX.
Sinabi pa ni Marcial na ang target na petsa ay Mayo 16-18.
“Dapat pagkatapos ng eleksyon ‘yan. Pero ‘yung kausap natin hindi na kaya,” ani Marcial.
Kinailangan ng PBA na mamili ng bagong All-Star host matapos ang Davao ay biglang naging unavailable dahil sa security concerns at political situation sa lungsod.
Idaraos sana ng Davao ang All-Star weekend mula Mayo 2-4.JC