Home NATIONWIDE PBA LEGEND ILDEFONSO PINURI SI BONG GO

PBA LEGEND ILDEFONSO PINURI SI BONG GO

MANILA, Philippines – Adopted son ng Pangasinan, namahagi si Senator Christopher “Bong” Go ng suporta sa mga displaced workers sa Barangay Cabuloan sa Urdaneta City.

“Bilang inyong Mr. Malasakit, lagi ko pong uunahin ang kapakanan ninyo dahil ang bisyo ko ay ang magserbisyo. Magtatrabaho po ako para sa Pilipino sa abot ng aking makakaya,” sabi ni Go.

Sa pakikipagtulungan kay PBA Legend at Cabuloan Brgy. Captain Danny Ildefonso, namigay ng tulong ang Malasakit Team ni Sen. Go sa 98 apektadong manggagawa sa barangay hall.

Sa suporta nina Go at Ildefonso, nagsagawa rin ng orientation ang Department of Labor and Employment (DOLE) bilang bahagi ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

“Sabi ko, kakapalan ko mukha ko para sa barangay ko, para makatulong sa kababayan ko. Hindi po ako napahiya at natupad ang pangarap ko na makausap po sya. Sabi pa ni senator sa akin, ‘uy, idol!’ pero ang sabi ko kay Senator Bong Go, ‘Senator, ako po ang magsasabi na idol ko po kayo’ dahil idol ko siya sa pagtulong,” sabi ni Ildefonso na isa ring alamat ng Philippine Basketball Association (PBA).

“Di po nagtagal, andito na po kayo. Andito na po yung tulong na hinihingi ko kay Senator Bong Go… Senator, maraming salamat sa inyo. Sana huwag kayong magsawa dahil maraming-marami kayong napapasaya at natutulungan,” idinagdag ni Ildefonso.

Binigyang-diin ni Go ang pangangailangang protektahan ang interes ng marginalized workers, partikular ang mga nasa rural na komunidad na nangangailangan ng mas maraming oportunidad sa trabaho.

Bilang tugon, isinulong ng senador ang Senate Bill No. 420 para mabigyan ng oportunidad sa trabaho ang mga kwalipikadong indibidwal mula sa mga pamilya sa kanayunan na mababa ang kita.

Ang panukalang batas ay lilikha ng Rural Employment Assistance Program (REAP) na tututuon sa pagbibigay ng pansamantalang opsyon sa trabaho sa mga kwalipikado batay sa economic hardship, poverty, displacement sa seasonal work.

“Patuloy po tayong magtulungan upang mas maiayos pa ang kalagayan ng ating disadvantaged at displaced workers. Magkasama tayo sa layuning ito na makabuo ng mas maginhawa at mas matatag na lipunan para sa lahat ng Pilipino,” ani Go.

Para mas mapagaan ang pinansiyal na pasanin ng mga pamilyang Pilipino, isa rin sa nag-akda at nag-sponsor si Go ng SBN 2534, na naglalayong itaas ang pang-araw-araw na minimum wage sa P100 sa buong bansa.

Bilang tagapangulo rin ng Senate committee on health and demography, hinimok ni Go ang mga residente na samantalahin ang tulong medikal na iniaalok sa Malasakit Centers sa lalawigan, na matatagpuan sa Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center sa Rosales at Region 1 Medical Center sa Lungsod ng Dagupan.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463, ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.

Sa ngayon, may 165 operational centers na ang nakatulong sa humigit-kumulang sampung milyong Pilipino sa buong bansa. RNT