Home HOME BANNER STORY 21 seafarers ng MV Tutor, nakauwi na

21 seafarers ng MV Tutor, nakauwi na

MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa ngayong umaga ng Hunyo 17 ang 21 Filipino seafarers ng MV Tutor na inatake ng Houthi rebels sa Red Sea.

Sinalubong sila ni Migrant Workers Secretary Hans Cacdac at Health Secretary Ted Herbosa gayundin si Tingog Representative and House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Jude Acidre.

Ayon sa DMW, tinanggap ang mga seafarers ni Philippine Ambassador to Bahrain Anne Jalando-on Louis nitong Sabado at sinamahan ni DMW Labor Attaché Hector Cruz sa kanilang flight.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa lahat ng concerned government agencies na iuwi ang mga Filipino seafarers ng ligtas na nagresulta sa pagkakasagip ng 21 marino habang nananatiling missing ang isa pa sa barko.

“They arrived at around 5:30 p.m. on Saturday at the Port of Manama, Bahrain. All 21 of them are safe and sound,” ayon sa impormasyon na binanggit mula secretary Cacdac.

Batay sa mga ulat, binomba ng mga rebeldeng Houthi sa kanlurang baybayin ng Yemen ang Liberia-flagged Tutor gamit ang mga drone at missiles noong Hunyo 12. Sakay, ang MV Tutor ay 22 Filipino seafarer.

Ang pag-atake malapit sa Yemeni port ng Hodeidah ay nagdulot ng matinding pagbaha at pinsala sa silid ng makina, na sanhi para hindi makapagmaniobra ang coal carrier ng barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden