Home NATIONWIDE Paglilitis sa tatlong kaso ng nawawalang sabungero inilipat – DOJ

Paglilitis sa tatlong kaso ng nawawalang sabungero inilipat – DOJ

2
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nailipat na ang paglilitis ng tatlong kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sinabi ni DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez na ayon sa reolusyon ng Supreme Court en banc, inilipat ang paglilitis ng Kidnapping with Homicide at Kidnapping and Serious Illegal Detention na kinasasangkutan nina Atong Ang at iba pa.

Mula ito sa Regional Trial Courts ng Sta. Cruz, Laguna; San Pablo City Laguna at Lipa City, Batangas patungo sa Regional Trial Court ng Quezon City.

Ayon pa kay Martinez, inaprubahan ang paglilipat ng paglilitis matapos maghain ng mosyon ang panel of prosecutors dahil sa mga isinaalang-alang sa seguridad at sa sensitibong usapin sa kaso.

Ang Supreme Court resolution na nag-uutos ng paglilipat ay may petsang Pebrero 5, 2026.

Gayunman, ang tatlong kaso ay na-raffle sa tatlong magkakaibang sangay ng RTC ng Quezon City.

Dahil dito, bawat sangay ay naglabas ng kanya-kanyang notice sa mga partido sa magkakaibang petsa mula Abril hanggang Mayo batay sa kani-kanilang iskedyul.

Ang kumpirmasyong ito ni Martinez ay makaraang sabihin ni Diane Loyola, live-in partner ng isa sa nawawalang sabungero na ipinagbigay-alam sa kanila ng DOJ na ang venue ng paglilitis sa kaso ng mga nawawalang sabungero ay inilipat na sa Quezon City. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here