Sumuko na sa pulis si NorthPort Batang Pier PBA player John Amores isang araw matapos masangkot sa pamamaril matapos ang isang basketball game sa Laguna.
Base sa police report, kitang-kita sa CCTV footage ang basketbolista na bumaba sa motorsiklo na minamaneho ng 20-anyos na kapatid nito sa Barangay MayTalang dakong alas-5 ng hapon nitong Miyerkules.
Matapos bumaba sa motorsiklo, binaril ni Amories ang tumatakbong lalaki na nakilalang si Lee Cacalda na nakaalitan ni Amores sa isang basketball game.
Ayon sa Lumban Municipal Police Station, nagkaroon ng hindi magandang away sina Amores at Cacalda sa isang basketball sa Barangay Salac.
Nitong Huwebes ng madaling araw ng sumuko ang basketbolista kasama ang kapatid.
Matatandaang na-ban si Amores, dating manlalaro ng Jose Rizal University, sa NCAA matapos na suntukin ang apat na manlalaro ng De La Salle-Colleg of St. Benilde noong 2022.
Bagamat nasangkot sa panununtok sa NCAA, pinili pa rin ng NorthPort Batang Pier bilang fifth round pick si Amores sa 2023 PBA Rookie Draft.JC