Home OPINION LOLA PEPA@126 – PAGSUSULONG NG ISANG MAKATAONG LIPUNAN, GIRL SCOUT WEEK 2024

LOLA PEPA@126 – PAGSUSULONG NG ISANG MAKATAONG LIPUNAN, GIRL SCOUT WEEK 2024

IPINAGDIWANG nitong September 15, 2024 hanggang September 21, 2024 ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) ang “Girl Scout Week 2020” na sentrong aktibidad ang 126th birth anniversary ni Josefa Madamba Llanes-Escoda na siyang nagtatag ng GSP at isang martir para sa bayan.

Si Lola Pepa na kanyang popular na pagkakakilanlan ay kabilang sa mga pinaslang ng Japanese Imperial forces sa kasagsagan ng World War II noong taong 1945. Inialay niya ang kanyang buhay para kalingain ang mga Filipino, gayundin ang mga tumutulong na American forces, na patuloy na lumalaban sa puwersang Hapones. Makikita siya sa lumang Php 1,000 bill kasama ng mga kapwa martir na sina Chief Justice Jose Abad Santos at Vicente Lim.

Isa si Lola Pepa sa mga nagsulong ng women’s suffrage sa Pilipinas kaya noong September 17, 1937 ay naging legal na ang pagboto ng mga kababaihan sa mga lokal at pambansang eleksyon sa bansa. Nagkaroon na ng boses ang kababaihan sa mga usaping panlipunan.

Tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Woman of Today for the Girls of Tomorrow” bilang pagkilala sa mga hamong hinaharap ng mga girl scout sa kasalukuyang panahon sa gitna ng tumitinding climate change at panawagan para sa inclusivity.

Kabilang sa mga naging aktibidades ang ‘Founder’s Day’ nitong September 20; mayroon ding Environment Day, Faith Day, Family Day, Community Day, Troop Leader’s Day at ang Girl’s Day sa buong Linggong obserbasyon.

Ang GSP ay nagdiwang din ng 84 years’ ng pagkakalagda sa charter nito noong May 26 ni dating Pangulong Manuel Quezon. Sa kasalukuyan, nasa higit-kumulang 800,000 ang miyembro ng GSP sa buong bansa partikular sa elementarya at sekondarya na tinatawag na mga Twinkler (ages 4 to 6), Star scout (6 to 9), Junior (9 to 12), Senior (12 to 15), at Cadet girl scout (15 to 21).

Kung nabubuhay lamang si Lola Pepa sa kasalukuyang panahon, tiyak ang pagsuporta niya sa mga adhikaing nagpapalakas sa kababaihan para labanan ang mga maling kaisipan katulad ng anti-violence against women, body shaming and ­bullying on women.

Hindi dapat ang mga ganitong gawain sa isang sibilisadong lipunan na kagaya ng Pilipinas.

Isinusulong ng bawat GSP member ang mga programang ukol sa well-being, family life, heritage and citizenship, world community, preparedness, economic self-sufficiency, art and environment. Ito ang mga kailangang tutukan sa paghubog ng isang responsableng mamamayan ng Pilipinas at ng mundo.

Mabuhay ang Girl Scouts of the Philippines!