Home NATIONWIDE PBBM ‘best spokesperson’ sa benepisyo ng rice tariffication law – Padilla

PBBM ‘best spokesperson’ sa benepisyo ng rice tariffication law – Padilla

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Robin Padilla na ang pangulo ang maituturing na ‘best spokesperson’ para magbahagi ng benepisyo ng Rice Tariffication Act sa mga komunidad.

Ang pahayag na ito ni Padilla ay kasabay ng pagdinig ng Senado sa kanyang Senate Resolution 1024 na naghihikayat na busisiin ang mga aksyon ng pamahalaan na ipaalam sa publiko ang batas at iba pang polisiya na susuporta sa mga lokal na magsasaka.

Binanggit ni Padilla ang vlog mula sa Presidential Communications Office (PCO), kung saan mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tumalakay sa Rice Tariffication Act at inirekomenda na i-dub ang mga video na ito sa lokal na diyalekto.

“Kung papayag si President, kung meron siyang permiso, ay maidub niyo [ang video] sa ibang salita. Ang ganda kasi president mismo yung nagsasalita… Iba yung Pangulo, iba yung leader ang nakikita natin na nagsasalita kasi yan yung rallying factor,” ani Padilla.

Samantala, sinabi ni PCO Assistant Secretary for TV Dale De Vera na ang ahensya ay gumagamit ng traditional media para iparating ang mga impormasyon sa mga nasa laylayan.

“Meron po kaming mga weekly kapihan sa Bagong Pilipinas na simultaneous activity po siya in every region, para kung nakalocalize po, hindi nakacentralize, yung issue para mas mailapit po sa public,” sinabi ni De Vera.

“We agree that the president is the best spokesperson for the country, so we,” dagdag niya.

Hinimok ng Federation of Free Farmers chairman Leonardo Montemayor ang pamahalaan na gamitin ang mga lokal na pamahalaan, farmers cooperatives at mga asosasyon para sa “good public information campaigns.”

Samantala, sa committee hearing, tinalakay ni Senate President Chiz Escudero ang “mismatch” sa proposed government budget para sa mga magsasaka.

“We should put our money where our mouth is. If you want to truly improve the lives of the poorest of the poor Filipinos engaged in the sector of agriculture, then we should start investing in agriculture. Hopefully, in the coming deliberations on the budget for 2025, we will see an improvement,” ani Escudero. RNT/JGC