Home HOME BANNER STORY PBBM binatikos ng solon sa ‘katahimikan’ sa PH territory issues

PBBM binatikos ng solon sa ‘katahimikan’ sa PH territory issues

MANILA, Philippines- Kasunod ng water cannon attack ng Chinese Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea, sinabi ni Makabayan lawmaker and ACT Teachers Rep. France Castro na tila hindi tinatrato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na importante ang isyu sa teritoryo at soberanya.

“Pres. Marcos did not even mention the issue during his last State of the Nation Address and even in his budget message, is the issue  of our territory and sovereignty not important to [him]?” ani Castro nitong Linggo.

Kinuwestiyon ng mambabatas ang katahimikan ng Pangulo sa isyu matapos bombahin ng tubig ng CCG ang PCG vessels patungo sa resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin (Second Thomas) Shoal sa West Philippine Sea noong August 5.

“Patuloy ang ganitong harassment at pag-atake sa mga Filipino lalo na ang ating mga mangingisda, tapos may gana pa ang China na mag-alok daw ng joint military exercises pero ganito naman ang kanilang ginagawa. Ano bang tingin nila sa atin uto-uto at susunod na lang sa gusto nila tulad ni Duterte?” giit ni Castro.

Aniya, nagmungkahi si Bayan Muna chairman Neri Colmenares ng mga inisyatiba para sa mapayapang resolusyon ng South China Sea dispute sa international conference noong Hunyo.

Kabilang dito ang Multi-pronged Permanent Court of Arbitration (PCA) or International Tribunal for the Law of the Sea cases; Joint Maritime or Air Patrols; UN Resolution Calling for the Demilitarization of the South China Sea; at ang UN Resolution na naghahayag na dapat sumunod ang General Assembly that China sa PCA Ruling.

“Dapat na talagang ilatag ng Pilipinas sa United Nations General Assembly ang tahasang paglabag ng China sa desisyon sa UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) at arbitral award, para mapressure na ang Tsina na tigilan ang kanyang ginagawa” pagbibigay-diin ni Castro. RNT/SA