Home HOME BANNER STORY Bigtime oil price hike sa Martes!

Bigtime oil price hike sa Martes!

MANILA, Philippines- Muling magpapatupad ng malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa partikular na sa kanilang ibinebentang krudo epektibo bukas.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P0.50 sa kada litro ng kanilang gasolina, P4.00 sa kada litro ng diesel at P2.75 sa kada litro ng kanilang kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May dagdag presyo din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na magiging epektibo alas-12:01 bukas ng hatinggabi habang ang CleanFuel naman ay magiging epektibo alas-4:01 bukas ng hapon.

Ang ipapatupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa na P2.10 sa kada litro ng kanilang gasolina, P3.50 sa kada litro ng diesel at P3.25 sa kada litro ng kanilang kerosene. JAY Reyes