Home NATIONWIDE PBBM, bukas sa ‘sensible suggestions’ mula sa Dutertes sa flood control —...

PBBM, bukas sa ‘sensible suggestions’ mula sa Dutertes sa flood control — Malakanyang

294
0

MANILA, Philippines – Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pakinggan ang “sensible suggestions” mula sa mga Duterte sa pagtugon sa maanomalyang flood control projects sa bansa.

Sa isang kalatas, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na patuloy na nakikipagtulungan at gumagawa ng paraan si Pangulong Marcos para maresolba ang mga usaping bumabalot sa flood control projects sa bansa.

“[A]ng mga ganitong komento mula sa kanila pero wala namang suhestiyong ibinibigay sa pagresolba sa problema ay hindi nakakatulong sa bayan,” ayon kay Castro.

Aniya pa, maaaring tumulong ang mga Duterte sa pamamagitan ng pagpabatid sa publiko tungkol sa mga flood control projects ng nakalipas na administrasyon sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ang maaari nilang maitulong sana ay ipaalam sa mamamayan ang 13,917 na flood control projects ng nakaraang administrasyon para malaman ng lahat kung existing, operational, effective ba ito sa problema sa baha at kung nararamdaman ba natin ang mga proyektong ito ngayon at noong mga nakaraang taon,” dagdag pa ni Castro.

“At kung mayroon naman silang matinong suhestiyon, bukas naman ang Pangulo na makinig sa lahat,” aniya pa rin.

Nauna rito, ipinagmalaki ni Davao City Mayor Baste Duterte na mayroong sariling flood control at iba pang imprastraktura ang kanilang siyudad.

Sa pahayag ni Mayor Baste, ngayon lang lumabas ang isyu sa flood control projects, subalit sa nakalipas na tatlong taon ay walang ginawang imprastraktura ang administrasyon at kung mayroon man ay “ginabarat” ito at naging ghost projects ang flood control. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here